Pulitiko, nabuko ang sexy star na nagpapagamit sa iba ‘pag wala siya

Nakakatawa ang kuwento ng isang female sexy star na ibinahay ng isang medyo may edad nang pulitiko pero matakaw pa rin sa sex.

Paminsan-minsan, may pelikulang ginagawa si sexy star, kaya maingat silang dalawa dahil baka bigla itong mabuntis!

Eh dahil halos gabi-gabi eh pumapasyal sa condo ng sexy star si pulitko, lagi itong may proteksiyon. Nag-iiwan siya ng pitong condom para sa one week use nila.

Nakalagay ito sa isang lalagayan at kung anong araw dumating sa pulitiko at nakipag-sex sa sexy star, ‘yun ang ginagamit niya.

Regular nilang ginagawa ‘yon dahil pag nagamit na, tapon na ang condom.

Dumating si pulitiko sa condo na walang pasabi sa sexy star. Naliligo siya nang dumating.

Ang unang ginawa ni politician, tiningnan ang kahoon ng condon. Nagulat siya dahil kulang ng isa ang condom!  Feeling ng politician, may sumasalisi sa kanyang lalaki sa sexy star at resibon niya ‘yung kulang na condom!

Nagalit si politician sa sexy star at hiniwalayan niya ito! 

Tumigil na rin sa paggawa ng sexy movies si sexy star dahil nabuntis siya ng lalaki niya na mas bata sa politician, huh!

Michelle, nabaitan kay Miguel

Nabaitan ang aktres na si Michelle Ortega nang ma-meet niya sa unang pagkakataon si Miguel Tanfelix na nali-link sa anak niyang si Ysabel Ortega.

Bisita sa Fast Talk with Boy Abunda ang mag-inang Michelle at Ysabel.

Para ngang magkapatid ang dalawa at kapwa may boses sa pagkanta.

Tinaong ni Boy si Michelle kung ano ang masasabi niya kung sabihin ng anak na magpapakasal na sila ni Miguel.

 “Huwag muna. Marami pa siyang pangarap at tuparin niya ‘yon. Hindi naman ako magiging hadlang sa taong mahal ni Ysa basta mamahalin siya nang lubos,” rason ni Michelle.

Of course, napag-usapan din sa Fast Talk ang ama ni Ysabel na si Senator Lito Lapid na isang good provider at responsableng ama.

Anyway, napapanood muli sa GMA afternoon prime ang VoltesV Legacy na unang major break ni Ysabel sa TV kung saan si Miguel ang kapareha niya.

Show comments