Ria at Maine, parehong preggy?!

Maine Mendoza at Ria Atayde

Wow, preggy na nga ba si Maine Mendoza?

Na walang masama kung totoo.

Mag-asawa sila ni Arjo Atayde. Ikinasal sila sa simbahan. Kaya hindi nakakagulat kung buntis nga si Maine.

Maraming nakakapansin na parang nagkakaroon ng baby bump si Maine pag napapanood siya sa Eat Bulaga at hindi na rin daw heels ang sinusuot nito.

Hay naku sana nga ay totoong buntis na si Maine.

Imagine ang ganda si­guro nang magiging anak nila.

Bongga, tiyak na magi­ging masaya nito pag nagkataon ang mommy ni Maine na nakakasabay ko noon sa Bambbi Fuentes Salon.

Buntis din daw si Ria Atayde na misis naman ni Zanjoe Marudo.

Bongga ‘pag nagkataon, dalawa aga magiging apo nina Sylvia at Papa Art Atayde.

Ang saya-saya. 

Show comments