KC at Geneva, binalikan ang nakaraan

Geneva Cruz at KC Montero

MANILA, Philippines — Isa sa mga naging bahagi ng pinag-usapan ng couple na sina Geneva Cruz at KC Montero sa Expecially For You ng It’s Showtime ay ang mga rason ng kanilang naging hiwalayan.

Ayon kay Geneva, ang pangarap niyang ipagpatuloy ang kanyang career sa Pilipinas at long distance relationship kay KC ang isa sa mga masasabi niyang rason ng kanilang paghihiwalay.

“Nagkaroon ng problem talaga noong, ‘yun nga, I started working here again. We lived in the States, he followed me and nagkaroon ng problem na nung physically nagkaroon ng distance ... Of course mahirap ‘yun, and ako naman, a part of me wants to sing na parang hindi ko naiisip na ‘teka muna’ na parang ‘huy ano ka ba, pamilya na lang’ ganyan. Pero ayun nga, sabi nga sakin one time we were born singer, a performer and it was the only thing that I knew, what to do ‘di ba?”

Sinubukan daw ni KC na sundin ang gusto ng ex at parehon nilang ipinagpatuloy ang kani-kanilang careers dito sa Pilipinas.

“Actually back and forth siya, kasi unang-una we were in the States with Heaven and andito ako sa Pilipinas. so I followed her, kasi sabi niya ‘hindi ko kaya dito sa US,’ kasi wala siyang lisensya, wala siyang trabaho doon, parang naka-lock in lang siya sa parents’ house ko, so then I followed her sa States. Tapos sabi niya ‘okay this is not for me, I will go back to the Philippines to be a singer’ so okay.

“She went back to the Philippines because ito ‘yung buhay niya ito. She’s born a singer, so she should shine as a star, so at that time hiwalay kami ... And I don’t know, the same goes pero three months, six months maybe longer, at that time parang the feelings just kind of fade for me and at that time I don’t know, parang it’s hard to communicate.”

Nagsimula man lumabo ang kanilang relasyon bilang mag-asawa, sinubukan pa rin nilang ayusin ang kanilang pagsasama. 

 

Show comments