Karen ibabahagi ang kuwento ng yumaman sa tocino

MANILA, Philippines - Ibabahagi ni Karen Davila ang kuwento ng pag-asenso ng isang dating tindera ng isda na sa pamamagitan ng pagsisikap ay nakagawa ng special recipe niyang tocino at yumaman ngayong Miyerkules (March 12) sa My Puhunan.

Matapos maapektuhan ang pangingisda sa Lipa, Batangas ng paglubog ng MV Doña Paz, nauwi si Carmen Tolentino sa pagtitinda ng hotdog at tocino. Mula sa limang kilo ng tocino na tinitimpla sa bahay, umabot ito sa 100 kilos sa rami ng umoorder sa kanya.

Taong 2006 naman nang magbukas ang sariling factory ng Carmen’s Foods na ngayo’y nagpoproseso na ng 5,000 kilos ng iba’t ibang karne araw-araw.

Tutukan na ang katuwang ng Pilipino sa pagsisimula at tagumpay, ang My Puhunan, ngayong Miyerkules ng 4:45 p.m. sa ABS-CBN.

Show comments