May balak si AiAi delas Alas na maging public servant pero slowly but surely ang kanyang mga kilos. Ayaw niyang pumasok sa isang mundo na kulang ang kanyang kaalaman.
Itutuloy ni AiAi ang kanyang public administration course sa UP Diliman kapag naging maluwag na ang mga showbiz commitment niya.
Si Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang insÂpirasyon ng komedyante. Number one fan ni Mama Vilma si AiAi kaya sinusundan nito ang yapak ng kanyang idol.
Alfred maipagtatanggol ng constituents
Feel na feel ko na ang nalalapit na eleksiyon dahil sunud-sunod na ang imbitasyon ng mga kandidato sa entertainment press.
Alam kasi ng mga pulitiko na big help ang entertainment media sa kanilang kandidatura.
Knows ng mga politician na maliban sa front page, ang entertainment section ang favorite basahin ng readers.
Sina Senators Loren, Legarda at Koko Pimentel, at Congressman Sonny Angara ang ilan sa mga mambabatas na naniniwala sa power ng entertainment press.
Ang entertainment media din ang alas ng mga actor-poÂlitician.
Hindi na kailangan ng mga artistang pulitiko na mag-effort na suyuin ang showbiz press dahil kaibigan nila ang karamihan sa mga showbiz reporter.
Kadalasan, labor of love ang pagtulong ng mga showbiz reporter sa mga artista na kandidato daÂhil usung-uso pa rin sa entertainment industry ang pakikisama at pagtanaw ng utang na loob. Umiiral sa mundo namin ang loyalty at sincere na pakikisama. Mapapatunayan ito ng mga actor-politician na nakita ang malaking pagkakaiba ng showbiz world sa mundo ng pulitika.
Isa si Quezon City Councilor Alfred Vargas sa mga actor-politician na tutuluÂngan ko, kahit hindi siya lumapit o magsabi sa akin.
Sinasabi ko ito, hindi dahil sa alaga ko si Alfred. Tutulong ako sa congressional bid ni Alfred sa 5th District ng Quezon City dahil nakita ko na bukal sa loob ang pagtulong niya sa kapwa.
Ang constituents ni Alfred ang makakapagpatunay na tunay na public service ang naibigay niya sa kanyang sandaling panunungkulan bilang konsehal ng kanilang distrito.
Maraming project si Alfred na naisakatuparan niya at pinakiÂnabangan ng marami. Hindi siya katulad ng ibang mga konsehal o pulitiko na sagana sa salita, salat sa gawa.