Ang kanyang nakagisnang relihiyon ang problema ngayon ni Yasmien Kurdi.
Si Yasmien, dahil sa kanyang ina ay member ng Iglesia ni Cristo, at sa kanila ay bawal na bawal ang pagpapakasal sa isang hindi kasapi ng Iglesia. Noong Enero noong nakaraang taon, si Yasmien ay nagpakasal sa kanyang boyfriend ng anim na taon na, si Rey Soldevilla, Jr., sa isang civil ceremony. Hindi sinipot ng kanyang ina ang kanilang kasal. Para makakuha ng parental consent si Yamien, ang pinapirma ay ang tatay niyang nasa Lebanon.
Nanganak na si Yasmien noong November pero hindi pa nakikita ng kanya ina ang apo noon sa kanya, hindi kasi sila nag-uusap. Sa Iglesia nga kasi, puwedeng matiwalag ang buong pamilya nina Yamien kung hindi niya makukumbinsi ang kanyang asawa na sumali na rin sa kanila, na mukha ngang malabo sa ngayon.
Palagay naman namin, ang kanilang maÂganÂdang pagsasama at pagmamahalan ay hindi dapat maÂsira nang dahil lamang sa relihiyon. Buhay nila iyon eh.
Sarah katulad ng kaso ni Mark
Lalabas at lalabas din naman ang buong katotohanan. Ngayon ay sinasabi na ni Sarah Lahbati na may isang executive ng GMA Network na nangako pa sa kanyang gagawin siyang isang big star kung pipirma siya ng management contract sa ilalim ng kumpanya ni Bebong Muñoz, ang dating boyfriend ni Jolina Magdangal. Obviously, tumanggi si Sarah dahil pumirma nga siya ng kontrata pero sa kumpanya ni Annabelle Rama.
Maaaring iyon na nga ang pinag-ugatan ng lahat ng mga problema ni Sarah at ng kanyang ina sa kanyang network. Uso rin pala ang gano’n sa kanila?
Tungkol sa walkout issue na ibinibintang kay Sarah at sinaÂsabing dahilan para malugi ang GMA 7 ng kalahating milÂyong piso, maliwanag namang ang bata ang naipit dun.
LaÂbinÂÂdaÂlawang oras siyang naghintay nang naka-costume at naka-makeup sa set nang hindi siya kinukunan. Matapos ang kanyang mga eksena, nang umalis siya agad dahil may guesting pa siya sa Eat Bulaga na GMA rin naman ang nag-schedule, sinasabi ngang nawala siya sa set na siyang dahilan kung bakit nasira ang taping at nalugi ang kumpanya ng ganun kalaking halaga.
Natatandaan namin, hindi ba ganyan din ang naging bintang nila noon kay Mark Herras? Matapos na pagÂhintayin sa set at hindi kinukunan, umuwi si Mark dahil sa tindi na rin ng pagod, at sinabi ngang nag-walkout siya at nalugi sila ng kalahaÂting milyong piso dahil dun? Mukhang may standard accusations na sila at iisa ang kanilang sinasabing nalugi sila ng kalahating milyong piso.
At paano naman kaya nila sasagutin ang sinabi ni Sarah na may hindi pa sila bayad na movie project at dinedma nung naniningil sila?
Noranian galit na galit, bayaran sinisiraan lang ang Superstar!
Galit na galit na panay padala ng text ng isang fan ng dating Superstar na si Nora Aunor. Hindi totoong mahina sa takilya ang pelikula ng kanilang idolo. NakikipagÂlaban iyon sa top grosser. HinÂdi rin totoo na na-pull out iyon sa mga sinehan, nagdagdag pa nga.
Ang mga kumakalaban daw kay Nora Aunor ay bayaran lang ng kalaban. Baliw!