NAGTUNGO sa PDEA sina Lex at Krema. Tamang-tama ang pagtungo nila roon sapagkat ang hepe pala roon ay ang officer na nagresponde sa kanila nang maaresto sina Dang sa probinisya. Ang officer din na ito – si Col. Jack Valdez ang nagsaayos ng reward money para kina Krema.
Nagulat si Col. Valdez nang makita sina Lex at Krema.
“Bakit narito kayo?’’ Tanong ng mabait na hepe.
“Ikaw Sir bakit narito ka na rin?” Tanong naman ni Lex.
Nagtawanan sila.
“Na-promote ako makaraan ang pagkakahuli sa drug queen na si Dang – di ba kayo ang instrument kaya nabuwag ang sindikato nila. Ako na ang hepe ng PDEA rito. Kayo ano ang dahilan at nagtungo kayo rito?’’
“Dahil sa drug queen na si Dang, Colonel Valdez/’’
“Ano? Nasa Correctiional na siya di ba. Life sentence ang hatol sa kanya.’’
“Gumagalaw pa ang sindikato, Colonel. Hindi pa patay.’’
“Naguguluhan ako. Anong ibig n’yong sabihin?’’
Si Krema na ang nagpaliwanag.
“Marami pang galamay si Dang, Colonel at sa katunayan, ipapapatay niya ako. May riding-in-tandem na siyang kinausap at papatayin ako sa araw ng kasal namin ni Lex.’’
“Hmmm, mukhang mabigat ito. Ang buong akala ko, lansag na ang grupo ng drug queen na si Dang. Ang alam ko rin ay napatay sa Munti ang kasama niyang lalaki. Baka nagbuo uli sila ng grupo.’’
“Hindi lang daw po shabu ang inooperate nila kundi ecstacy at heroine, Colonel.’’
“Mabigat nga. Baka mga Nigerian ang kakutsaba nila. Kamakailan lang, may nahuling dalawang Nigerian sa NAIA at pinurga dahil sandamukal ang nilunok na heroine.’’
“Baka kasama nga nila Colonel. Kasi sabi ng isang informant, marami nang kontak si Dang. Thru cell phone lang at nagkakaayos na ang bentahan.’’
“Dapat maputol na ang sungay ni Dang,” sabi ng colonel. “Sa pagkakataong ito, wala na siyang kawala.’’
“Tulungan mo kami Colonel. Mukhang hindi titigil si Dang hanggat hindi ako napapatay.’’
“Oo Krema, tutulungan ka namin. Kailangang wakasan na ang pamamayagpag ng drug queen.’’
Napayapa ang kalooban nina Lex at Krema.
(Itutuloy)