‘Kandado’ (Part 9)

PAGLABAS ng opisina, nagtungo uli kami ni Darwin sa club sa may Buendia na nagpapalabas ng mga hubad na “kolehiyala”. Dahil maaga pa, uminom lang muna kami ni Darwin. Tigalawang bote muna kami nang malamig na beer. Pulutan namin ang malutong na spicy pusit at fried na mani.

“Akala ko hindi ka sasama sa akin, Virgil,’’ sabi ni Darwin at uminom ng beer mula sa bote.

“Ayaw ko sana dahil kinakabahan ako—baka mag-raid. ‘Di ba bawal ang pagpapalabas nang malaswa.”

“Hindi rereydin ito dahil malaki ang lagay sa station commander.”

“Paano kung nagpalit ng commander at istrikto ang pumalit?”

“Imposible! Lahat yan tumatanggap.”

“Kinakabahan pa rin ako, Darwin.”

“Inumin mo yang beer mo para mawala ang kaba mo!”

Ininom ko. Nagpulutan ako ng fried pusit. Ang anghang ng sawsawan. Dumampot ako ng ilang butil ng mani.

“Kumusta nga pala ang pangungulekta mo ng kandado, Virgil?”

“Tuloy pa rin. Kahapon nang magtapon ako ng basura, may nakita akong sirang pinto na nakadikit ang kandado at kinuha ko. Nang inspeksiyunin ko, made in England ang kandado at gawa pa nung 18th century.”

“Aba baka mahal ‘yun, ibenta mo.”

“Hindi ko ipagbibili.”

Nang maubos ko ang ikalawang beer, nakaramdam ako ng pag-jingle. Nagpaalam ako kay Darwin na iihi.

Habang jumi-jingle, napansin ko sa CR na may isang pinto roon na nakabukas at tila lagusan palabas. Bakit kaya nilagyan ng pinto? Baka naman daan iyon ng empleyado ng club.

Bumalik na ako sa table namin ni Darwin. (Itutuloy)

Show comments