Mga hindi mo alam na katotohanan

• May mga pangyayari na si Mister ang nakakaranas ng mga sintomas ng paglilihi sa halip na si Misis. Sympathetic pregnancy ang tawag sa nararanasan ni Mister.

• Ang mga babaeng nakatira sa bansang may mainit na klima ay mas conscious sa hugis ng kanyang katawan kaysa mga babaeng nakatira sa bansang mas malamig na klima.

• Kailangang gawin ang isang bagay ng sunud-sunod na 66 days para maging habit ito.

• Isa sa bawat 12 tao ay nakakaranas ng pakikipagtalik sa panaginip. At totoong sila ay nakakaranas ng orgasm.

• Mas mabilis alalahanin ang isang bagay habang nakapikit.

• Mas malungkot ang isang tao, mas babad sa panonood ng TV.

• Mas matalino ang pusa kaysa aso dahil doble ang dami ng neurons sa utak ng pusa kaysa aso.

• Nakatataas ng I.Q. (14 percent) ang pagkain na walang preservatives.

• Mas nagiging productive ang isang tao kapag siya ay nasa blue room.

• Mas malikhain ang tao sa gabi. Mahina ang level ng kanyang pagkamalikhain sa hapon.

• Ang kulay blue ay nakapagpapalabas ng relaxing hormones sa ating utak.

• Likas na sa ugali ng tao na isisi ang nangyaring kabiguan sa ibang tao kaysa isisi ito sa sitwasyon.

• Ayon sa New York Times, 17 percent ng nagpalagay ng tattoo ay nagsisi.

• Mga 70 percent ang tsansang tumaba ng anti-social or unpopular girls kaysa popular at sociable girls.

Show comments