Psychology facts

• Kapag nakalilimutan mo ang maliliit na bagay, iyon ay dahil nakapokus ang isipan mo sa malalaking bagay.

• Kaya pangit ang penmanship ay dahil mas mabilis siyang mag-isip kaysa paggalaw ng kanyang kamay na ipinansusulat.

• Deep thinker ang taong laging umaaktong “devil’s advocate” sa mga group discussions. Ang devil’s advocate ay taong laging nakakontra ang opinyon sa nakararami.

• Ang taong mahilig mag-isa ay higly creative and ­intelligent.

• Ang taong kumukumpas ang kamay habang nagsasalita ay matalino at expressive.

• Base sa ginawang pag-aaral, ang psychopath ay hindi iginagalaw ang ulo habang nagsasalita at hindi tumitingin sa mga kausap.

• Ang taong walang malasakit sa kapwa ay nagiging psychopath at malaki ang tsansa na makagawa ng krimen.

• Pinapahina ng over protective parents ang self-esteem ng kanilang mga anak.

• Nagiging sinungaling ang mga batang lumaki sa sobrang istriktong magulang. Ginagalingan nila ang pagsisinungaling para makaligtas sa malupit nilang parusa.

• Kadalasan ay minamaliit ang kakayahan ng bunso pero siya ang lumalabas na pinaka-creative sa lahat ng magkakapatid.

• Kapag ang anak ay napapabayaan ng mga magulang, kadalasan ay sa ibang tao sila humahanap ng atensiyon na kadalasan ay mga maling tao.

• Ang anak ng “emotionless parents” ay lumalaking maramdamin. Emotionless parents = hindi pinupuri ang anak, hindi yumakap sa anak, malayo ang damdamin sa mga anak.

Show comments