Health rules

1. Kung lulunok ng gamot, maligamgam na tubig ang ipangtulak. Kapag malamig, bumabagal ang pagtunaw ng gamot sa loob ng katawan. Bukod dito, humihina ang epekto ng gamot.

2. Kapag lampas na ng 5 p.m., iwasan ang heavy meal. Mahihirapang tunawin ng iyong sistema ang pagkain na makakaapekto sa mahimbing na pagtulog.

3. Mas maraming tubig ang inumin sa umaga. Uminom ng mas maraming tubig, at isang tasa lang ng kape.

4. Matulog nang tuluy-tuloy sa pagitan 10 p.m. at 4 a.m. Ito ang panahong nagre-regenerate o nagpapanibagong lakas ang katawan.

5. Bago humiga, palipasin  muna ang 30 minutes pagkatapos kumain para maiwasan ang heartburn.

6. Kung hindi man maiwasan, bawasan ang kapapanood ng masasamang balita na nagpapainit ng iyong ulo, nagbibigay ng kaba o balitang nakakadiri.

7. Sundin ang 8+8+8 rule. Ano ito? I-distribute mo ang 24 hours sa 8+8+8 hours upang maging balanse ang takbo ng buhay.

8 hours hard work

8 hours good sleep

8 hours na ilalaan sa 3Fs, 3Hs, at 3Ss:

3Fs: family, friends at faith

3Hs: health, hygiene, at hobby

3Ss: soul, service at smile.

Show comments