Psychology facts

• May limang klase ng pangkalahatang batas sa buong mundo. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Murphy’s Law: Mas lalo mong iniisip nang paulit-ulit ang kinatatakutan mong mangyari, lalo lang ito magma-manifest na magkatotoo. Kaya ang isipin mo ay yung gusto mong mangyari at hindi yung ayaw mong mangyari.

2. Kidlin’s Law: Kapag naisulat mo sa papel ang iyong problema nang buong linaw at detalyado, ito ay maitutu­ring na na-solved mo na, ang 50 percent ng iyong problema.

3. Gilbert’s Law: Kapag tinanggap mo ang isang trabaho, ang responsibilidad mo ay hanapan ito ng pinakamagaling na pamamaraan upang magkaroon ng magandang resulta.

4. Wilson’s Law: Kapag ang inuna mo ay paggamit ng iyong talino para magkaroon ng sapat na kaalaman, walang duda na ang kaalamang ito ang magdadala sa iyo ng pagkakakitaan.

5. Falkland’s Law: Kung wala namang nasa bingit ng kamatayan, huwag pilitin ang sarili na gumawa ng desisyon kung hindi ka pa handa. Mabuti na ‘yung i-delay ang pagdedesisyon para mailatag na mabuti ang gagawing hakbang.

• Paano magkakaroon ng madaliang solusyon sa isang negatibong pakiramdam:

1. Overthinking – isulat ang nararamdaman

2. Pagod – umidlip

3. Malungkot – mag-exercise

4. Nababalisa – mag-meditate

5. Galit – makinig ng paboritong music

6. Tinatamad – bawasan ang screen time (TV, gadgets, etc.)

7. Burn out – magbasa

8. Stressed – maglakad

Show comments