‘Panyo’

(Part 3)

PALIBHASA ay matangkad at ma­laki ang katawan ko, kayang- kaya kong talunin ang kaklase kong nam-bully sa akin.

Nagpagulung-gulong kami sa kalsada. Walang umaawat sa amin. Tuwang-tuwa pa nga ang ilan sa aming pag-aaway. Unang pagkakataon kasi na may lumaban sa kaklaseng bully. Walang makalaban sa kaklase namin dahil mahusay lamang itong manggulat.

Naawat lamang kami ng isang matandang lalaki ang dumaan at pinaghiwalay kami. Umuwi na raw kami at huwag nang uulit.

Palibhasa ay natalo ko ang bully, matapang akong nagsalita, “Hindi kita uurungan! Mayabang ka lang!”

Nagsigawan ang mga nanonood.

­Naging hero tuloy ako.

Nang umuwi ako ng bahay, nagtaka si Nanay kung bakit puro dumi ang uniporme ko. Ano raw nangyari sa akin?

“Inaway ako ng kaklase ko, Nanay. Lumaban ako.’’

“Bakit ka inaway?’’

“Nakita kasi ang pink na panyo sa bag ko—tinawag akong binabae. Lumaban ako.’’

“Para yun lang nakipag-away ka?”

“Binabae raw ako eh.’’

“Huwag ka nang makikipag-away.’’

“Nanay huwag mo na akong ibibili ng pink na panyo.’’

(Itutuloy)

Show comments