BITBIT pa na natin ang kinaugalian ng ating mga ninuno at naninirahan pa sa kuweba. Sa kalagitnaan ng gabi, babangon sila para itsek kung may ahas o mabagsik na hayop na nakapasok sa kuweba. Siyempre sa ating modernong daigdig, may mga nadagdag nang dahilan kung bakit tayo pagising-gising sa madaling araw, sa ayaw man natin o gusto.
1. Nagigising dahil maiihi. Kung 2 to 4 times kang nagigising, ganito ang payo ng mga eksperto: Mga 30 minuto bago matulog, uminom ng isang basong tubig na may kahalong isang kurot na asin, puro at walang halong chemical kagaya ng iodine. Ito ay upang humalo ang tubig sa iyong cells at hindi lumabas sa katawan.
2. Sobrang init o lamig sa iyong kuwarto. Kung ang problema ay mainit, mainam na maligo ng maligamgam na tubig.
3. Nakahiga na ay nagso-social media pa rin. Kapag nae-expose ang iyong mata sa liwanag galing sa screen, tumitigil ang ating katawan sa pagpapalabas ng melatonin, or sleep hormone. Itago ang cell phone o tablet bago matulog para hindi matuksong magpipindot bago matulog.
4. Umiinom ka ng alak bago matulog. Sa halip na makatulog, lalo kang nagiging balisa. Kung talagang hindi maiiwasan at talagang may katakawan ka sa alak, uminom na lang sa araw.
5. Nakakaranas ng sobrang stress. Mag-meditate or mag-yoga. O kaya magtanong sa doctor kung anong magnesium supplement ang dapat inumin. May iba’t ibang klase ito. May tumutulong sa digestion kaya ang resulta regular na pagdumi. Ang iba naman ay nagpapakalma ng nerves kaya mas malalim ang iyong tulog.