Interesting psychology facts

• Sa mga taong ang hanap ay long term relationship, mas binibigyang importansiya nila ang magandang mukha kaysa magandang katawan.

• Natuklasan sa isang pag-aaral na ang magagandang idea ng creative people ay naiisip nila habang nagsa-shower.

• Kapag ang friendship ay umabot na sa 7 years, tiyak itong tatagal habang buhay.

• Mas nasisiyahan ang mga lalaki kung ang papuri ay galing sa kapwa lalaki.

• Mas doble ang gana sa pagkain ng mga lalaki kung babae ang kasalo nila.

• Mas smart ang isang tao, mas lalo siyang mapili sa kakaibiganin niya.

• Doble ang pagsisinungaling ng mga lalaki kaysa mga babae.

• Ngumiti bago sumagot sa telepono para maging masaya ang pakikipag-usap.

• Sa isang bagong pag-aaral, mas tumatanda ang isang tao, mas nagiging mabait siya at maunawain kontra doon sa lumang paniwala na kapag tumatanda ang isang tao, lalo silang nagiging masungit.

• Kapag pabulong mong sinabi ang isang impormasyon, mas lalo itong nagiging kapani-paniwala sa kausap mo.

• Kapag sexually attracted ka sa isang tao, nahihirapan kang magsinungaling sa kanya.

• Ang mga lalaking nasa early 20s ay nakakadama ng matinding emotional pain  kaysa babae kapag nakaranas ng break-up.

• Ang lalaki ay nai-in love sa loob lang ng tatlong araw samantalang ang babae ay bibilang pa ng 14 days bago ma-in love.

Show comments