‘Krismas Tri’ (Part 4)

“ANO kayang ­pangalan ng punong ito?” tanong ng kapatid kong si Ruben.

“Di ba agojo ito?’’

“Pine tree? Di ba sa Baguio lang meron nun?’’

“May iba’t ibang variety ang pine tree.’’

“Putulin na natin at nang makauwi na tayo. Nagugutom na ako,’’ sabi ni Ruben.

Pinutol namin. Matigas ang katawan.

Pagkatapos putulin ay tinalian namin ng dalang lubid ang mga sanga paikot para hindi malagas ang mga dahon. Napakaganda ng mga dahon na pawang berde.

Napansin ko na matigas ang mga sanga ng agojo.

Pagkatapos talian, inusong namin ang pinutol na agojo. Sa tantiya ko ay mga anim na talamapakan ang taas.

Pasado alas dose ng dumating kami sa bahay.

Nang makita ni Nanay ang puno na dala namin ay natuwa.

“Ang ganda ah. Saan n’yo nakuha?’’ tanong niya.

“Sa bundok!’’

“Sige kumain muna kayo at saka natin itatayo at palalamutihan.” (Itutuloy)

Show comments