Lola sa Canada, nakapagtala ng World Record Nang Makapag-Push-up nang mahigit 1,000 BESES!

Isang 59-anyos na lola mula Beazer, Alberta, Canada ang nagtala ng bagong Guinness World Record matapos makagawa ng 1,575 push-ups sa loob ng isang oras.

Si Donna Jean Wilde, ay dati ng world record holder para sa titulong “Longest Time in an Abdominal Plank Position (female)” na tumagal ng 4 hours, 30 minutes, and 11 seconds.

Ayon kay Wilde, ang kanyang pagsasanay para sa plank record ang naghanda sa kanya para mapasakamay ang world record title na “Most Push-ups in One Hour”.

Ang record attempt ni Wilde ay nasaksihan ng 11 niyang apo.

Show comments