‘Kandila’

(PART 9)

HINDI ko inaasahan ang sumunod na suwerte sa akin—kasama ako sa top 10 sa mga pumasa sa Accounting board exams. Masayang-masaya ako at pati sina Papa at Mama. Hindi ko inaasahan na makakasama ako sa top 10 dahil ang dinadasal ko lamang ay makapasa—sapat na iyon sa akin.

Kapag nagdarasal ako sa kuwarto ay sinisindihan ko ang itim na kandila ay dina­dalangin kong makapasa. Yun pala, mas mataas pa ang makukuha ko. Dahil kasama ako sa top 10, maraming accounting firm ang nag-alok sa akin ng trabaho.

Dahil sa mga na­tamo kong su­werte na pinaniniwalaan kong dulot ng itim na kandila, lalo ko pang minahal ang kandila. Iningatan ko ito nang labis.

Lumipas pa ang ilang taon. Isang umaga ng Biyernes na ininspeksyon ko ang itim na kandila, nagulat ako sa nakita.

(Itutuloy)

Show comments