MALAKING dagok sa sindikato ng pekeng sigarilyo ang pagkakumpiska ng Criminal Investigation and Detective Group ng P2.4 bilyon na halaga ng smuggled cigarettes sa magkasunod na raid sa Valenzuela City at Bulacan. Anong sey mo Boss Sakur? Maging ang mga local manufacturers ay natutuwa na sa wakas ay kumikilos na ang mga operatiba ni CIDG director Brig. Gen. Nicolas Torre lll laban sa naglilipanang pekeng sigarilyo sa Pinas. Matutuwa rin dito si President Bongbong Marcos dahil lalaki ang taxes na papasok sa kaban ng gobyerno kapag lisanin na ng mga adik sa sigarilyo itong produkto ni Boss Sakur, di ba mga kosa? Pero para masawata na itong cigarette smuggling, dapat lang higpitan ng Philppine Coast Guard, Philippine Navy at Maritime Group ang kanilang pagpatrulya sa Southern backdoor. Mismooooo! Open secret naman ‘yan na ang mga pekeng sigarilyo galing Malaysia at Indonesia ay dumadaan sa Southern backdoor at nakakapagtataka kung bakit nakalusot sila sa mga barko ng AFP at PNP. Dipugaaaaa! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Hindi naman kumukurap si Torre para tuldukan ang pagpasok ng pekeng sigarilyo sa Pinas. Kasama si Estrella Manalo, ang opisyal ng Bureau of Internal Revenue, sinalakay ng mga tauhan ni Torre ang isang bodega na matatagpuan sa 1216 Apolonia St., Bgy. Pulang Lupa Valenzuela City at inaresto sina Pan Zizhan, 51; Pan Zili, 42, at Pan Ziqiang, 25. Kinumpiska ang kahon-kahon na sigarilyong Carnival Blue, Carnival Red, H&P red, Nise, TS, D&J red, J&J red, Modern Black Tattoo red, Fortune, H&P blue, H&P gold, RGD red, Modern red, Cannon menthol, Two Moon, Guia Deep, Troy, J&J menthol, Tattoo blue, Time strawberry flavor, Time Apply flavor, Golden Leaf, Mighty red, Mighty green, Modern red, Carnival green, Golden Bridge, Royal Menthol Milano red Diamnod, Camel, Milano Geneva green Milano Dubai, MD Centro, H&P at Marlboro silver, gold at red. Lahat-lahat ay nagkakahalagang P700 milyon. Sobrang dami at mukhang para sa Christmas season. Ang sakit sa bangs nito.
Pinasok din ng joint-CIDG-BIR ang isa pang bodega sa Bgy. Ugong Valenzuela City at inaresto si Yanliang Hu, 42, at Rock Gara Yu, 45, Samu’t-saring pekeng sigarilyo din ang nakumpiska na nagkakahalagang P423 milyon. Kasabay na sinalakay ang isa pang bodega sa Valenzuela City at nakumpiska ang P35.7 milyon na pekeng sigarilyo. Sinabi ni Torre na ang mga raiders ay armado ng mission orders na inisyu ng BIR, na nalulugi dahil hindi nagbabayad ng tamang buwis ang mga cigarette smuggling syndicates. Di ba Boss Sakur? Teka, teka! Ano naman ang papel ng negosyanteng si Edwin Chang sa nakumpiskang sigarilyo? Tanong lang po! Eh di wow!
Sinalakay din ng combined CIDG-BIR team ang cigarette factory sa Bgy. Moranquillo, San Rafael, Bulacan at na-rescue ang 155 trafficked individuals. Tsk tsk tsk! At higit sa lahat nakumpiska ang sigarilyo at kagamitan na nagkakahalagang P1.245 bilyon. Behhhh but nga! Ayon kay Torre ang mga raiders ay armado ng body worn cameras at ang inventory ay sinaksihan ng mga opisyales ng barangay. Kkasuhan ang mga inaresto ng tax evasion, intellectual property violations at human trafficking. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs! Abangan!