Mayang (35)

Hubo’t hubad si Puri. Sa nagwawating-wating na paningin ni Jeff ay nakita niya ang kaangkinan ni Puri. May mga butil ng tubig ang makinis na katawan. Nasapol niya ang tumpok ng maitim na pugad. Napalunok siya. Ano ba itong panoorin na ito at nag-iinit ang kanyang damdamin. Dahil kaya sa alak? Nang iangat niya ang ­paningin, nasapol naman ng tingin niya ang dalawang malalaking “papaya” na tila hinog na at nag-aanyayang pitasin na.

“Baka gusto mo ring mag-shower Jeff? Tingin ko, sinisilaban ka. Gusto mo mag-shower. Maliligo uli ako para may kasabay ka.”

“Hindi! Ayoko!’’ Sabi ni Jeff at tumalikod at nagtungo sa sopa. Naiwan naman na nagtataka si Puri. Ibinalot niya sa katawan ang towel at lumabas sa banyo.

Tinungo niya ang salas.

Naabot niyang nakatingin sa kawalan si Jeff. Parang lutang.

Napansin niya ang bote ng alak. Marami pang laman. Parang hindi nabawasan.

“Hindi ka yata umiinom Jeff—kaunti lang ang nabawas sa bote.’’

“Marami na akong ­nainom—nahihilo na nga ako.’’

“Paano ka mahihilo e kaunti pa lang ang bawas sa bote.’’

“Marami na—nakatatlong shots na ako.’’

“Really?’’

“Oo.’’

Naupo sa sopa si Puri. Dinampot ang bote, binuksan at sinalinan ang dalawang baso. Kalahati.

“Inom tayo!’’

Dinampot nito ang baso.

Dinampot din ni Jeff ang isang baso.

“Cheers!’’

Nagpingkian ang kanilang mga baso.

Tinungga ni Puri ang alak sa basong hawak.

Tinungga ni Jeff ang kanya.

Sinaid ni Puri ang laman ng baso bago ibinaba.

Ganundin si Jeff.

Ang mga sumunod ang hindi inaasahan ni Jeff. Nananaginip yata siya. O talagang tinamaan siya ng alak?

(Itutuloy)

Show comments