Uminom ng dalawang basong tubig para mabawasan ang sakit ng ulo.
Para tumigil ang paghatsing, itulak ang dila sa ngala-ngala.
Kung balisa ka at hindi mapakali, hawakan mo ang malamig na bote/lata ng soda, beer, tubig galing sa chiller upang kumalma ang pakiramdam.
Kung inaantok pa rin pagkagising sa umaga, basain ng cold water ang mukha at wrist.
Pisilin mo ang iyong upper lip kung nagka-cramps ka.
Magpahangin sa labas ng bahay para mabawasan ang stress, magkaroon ng focus at maging masigla.
Lagukin nang diretso ang isang basong grape juice (fresh or Welch brand) upang mabilis matanggal ang migraine.
Kung nangangati ang lalamunan, kamutin mo ang iyong tenga. Kapag nagalaw ang nerve ng tenga, nagkakaroon ng reflexes sa lalamunan na nagiging dahilan ng muscle spasm kaya nawawala ang pangangati.
Kung masakit ang ngipin, pahiran ng yelo ang pagitan ng hinlalaki at hintuturo. Kahit 50 percent ay mababawasan ang sakit.
Para tumigil ang iyong pagtawa, kurutin mo ang iyong sarili sa lugar na mabilis kang masaktan kapag kinurot. Minsan kasi masakit na ang tiyan ay ayaw pa rin huminto ang sarili sa pagtawa.
Mapipigilan mo ang pagluha kung ididilat mong mabuti ang iyong mata at iwasang kumurap.
Matatanggal ang sinuses kung itataas mo sa ngala-ngala ang iyong dila, habang ang hintuturo mo ay nakadiin sa pagitan ng iyong eyebrows. Manatili sa ganitong kalagayan sa loob ng 20 seconds.