‘Pako’ (Part 12)

HINDI ako makapaniwala sa magagandang pangyayari na naganap sa aking buhay. Mula sa pagiging tagapili ng pako sa isang hardware sa aming probinsiya ay napabilang ako sa top 10 ng mga pumasa sa accounting board.

Kasunod ay ang pag-hire sa akin ng isang malaking accounting firm. Malaki ang suweldo.

Napaiyak ako habang yakap ang mag-asawang umaruga sa akin. Hindi ko malilimutan ang kabaitan nina Tatay Kiko at Nanay Angela na itinuring akong anak. Pinag-aral sa kabila na hindi nila ako kadugo.

Nang sumasahod na ako nang malaki, ikinuha ko ng condo unit ang mag-asawa. Tuwang-tuwa sila.

Hindi ko rin naman kinalimutan ang kaibigan kong si Joe na nagpakilala sa akin kina Tatay Kiko at Nanay Angela.

Pinag-aral ko ang anak ni Joe at binigyan ng puhunan.

Napaiyak ang aking kaibigan sa ginawa ko. (Itutuloy)

Show comments