Wala nang gibaan o siraan sa PNP! — Remulla

WALA nang “gibaan” sa hanay ng Philippine National Police. Nangyayari itong gibaan tuwing may labanan sa bakanteng “juicy” position sa PNP, lalo na sa pagka-PNP chief. Mismooo! Matagal pang magreretiro si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil kaya’t pahinga muna ang gibaan sa ngayon. Tuluyan nang tinuldukan ni DILG Sec. Jonvic Remulla ang sistemang ito kaya makakatulong ito tiyak para magiging tahimik ang PNP kapag may palitan ng PNP chief. Dipugaaaaa!

Sa kanyang kauna-unahang command conference sa PNP, binalaan ni Remulla ang mga pulis na lumapit sa kanya para gibain o sirain ang imahe ng kapwa pulis. Araguyyy! Aniya, kung ang plano lang ng mga pulis ay mag-Marites sa paglapit sa kanya, ‘wag na nilang gagawin dahil hindi siya nakikinig sa tsismis. Eh di wow! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Hindi lang ‘yan, mahigpit ang tagubilin ni Remulla na makinig sa kanyang sasabihin ang mga opisyal ng PNP tuwing command conference. Ayaw niya na may hawak silang cell phone dahil hindi nila maintindihan ang kanyang mga iaanunsiyong programa. Mismooo!

“You are not worth my time if I am not worth your time kaya’t pay attention,” ang sinabi ni Remulla. Biglang itinuro ni Remulla ang direksiyon ni CIDG director Brig. Gen. Nicolas Torre lll, ang best friend ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy. Ayon sa mga kosa ko, tumayo bigla ang nagulat na si Torre. “No not you,” ani Remulla at ang tinutukoy pala ang nasa tabi ni Torre. Napaupo bigla si Torre. Sanamagan!

Tatlong heneral, isang colonel at isang major ang pinalabas sa conference room, ayon sa mga kosa ko. Nag-sorry naman ang lima kay Remulla pagkatapos ng command conference at ayos na ang buto-buto. Case closed na! Ano pa nga ba? Kaya sa susunod na command conference ni Remulla, bawal na ang humawak ng cell phone. Eh di wow! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Siyempre, inilahad pa ni Remulla ang kanyang marching orders sa kapulisan na hindi naman ikinagulat ng mga PNP officials. “Work and work hard, fidelity in the performance of your duty,” ani Remulla. At higit sa lahat, nangako si Remulla na walang “sacred cows” sa imbestigasyon ng PNP sa EJKs at rebelasyon ni former PCSO General Manager Royina Garma sa quad com hearings. Aniya, ang lahat na binanggit sa hearing ay dapat managot sa batas, ayon sa lakas o puwersa ng PNP at ng institutions at ng DILG.

“We aim to uplift the morale, we aim to uplift the professionalism of this institution, and we aim to create better community relations especially between the local chief executives and the PNP,” giit ni Remulla. “ Rest assured that, as according to what I said, anyone, everyone is innocent until proven guilty and there are no sacred cows in this investigation,” and dagdag pa ni SILG. Mismooo!

Sinabi ni Remulla na ibinigay na niya sa top brass ng PNP ang mga alituntunin at programa na isusulong ng kapulisan sa susunod na tatlong taon, kabilang na rito ang capital outlay, response time, ang relasyon sa LGUs at sa COPs investiment para sa mas maayos na organisasyon.

“The template is there and we will announce it soon but it has to be thoroughly studied. But rest assured it has already been formulated,” aniya. Hayan mga kosa, binigyan na kayo ng tamang guidelines ni Remulla. Abangan!

Show comments