‘Pako’ (Part 7)

“NARITO na tayo sa Maynila, Ramon,’’ sabi ni Joe sa akin.

“Anong lugar ito, Joe?’’

“Divisoria.’’

“Hanggang dito na lang kayo, Joe?’’

“Oo.Ididiskarga lang ang mga paninda at mamayang gabi ay babalik na uli kami sa atin.’’

“May alam ka bang puwede kong puntahan dito sa Divisoria?’’

“Mayroon akong ka­kilala na nagtitinda ng pansit pero hindi ko alam kung naroon pa siya sa puwesto niya. Puwede kitang ipakilala sa kanya. Baka may kakilala siyang nangangailangan ng katulong.’’

“Oo, Joe. Kahit tagahugas ng pinggan.”

“Sige, mamaya puntahan natin. Ibababa lang namin ang kargada. Diyan ka ka lang muna sa bangketa. Tatawagin kita kapag tapos nang idiskarga ang mga paninda.’’

“Sige Joe.’’

Pagkaraan ng isang oras, natapos idiskarga ang mga paninda sa trak.

“Halika na Ramon. Puntahan natin ang ka­kilala kong may karinderya. Kumain na rin tayo roon.’’

Tinungo namin ang sinasabi ni Joe. (Itutuloy)

Show comments