‘Pako’ (Part 4)

NAKILALA ko ang pahinante ng isang truck na laging bumibiyahe sa Maynila. Ang truck ay nagdadala ng mga saging, gulay at prutas sa Maynila at pagbalik ay mga hardware pro­ducts ang karga.

“Bakit anong gagawin mo sa Maynila, Ramon?’’ tanong ng pahinante na nagngangalang Joe.

“Dun ako makikipagsapalaran Joe.’’

“Bakit? Ayaw mo na kay Intsik?’’

“Oo. Hindi ko na kaya ang kalupitan nila—pati ang asawa niya. Kauting magkamali ako e may parusa. Hindi pa ako pinakakain.’’

“Kawawa ka naman. Sige, bukas ng madaling araw ang alis namin. Dun kami naka-park sa may plaza.’’

“Magkano ang pamasahe ko, Joe?’’

“Huwag na. Ako na ang bahala.”

“Baka pagalitan ka ng drayber?’’

“Hindi. Bayaw ko yun.’’

“Salamat Joe.’’

“Basta mga alas kuwatro ng umaga, punta ka na sa plaza.’’

“Oo, Joe.”

(Itutuloy)

Show comments