Pumalag si Polong sa quadcom hearings

SUMULAT si Davao City Rep. Paulo “Polong” Duterte sa House of Representatives quad committee na dumidinig sa mga kaso ng illegal drugs, extra judicial killings, human rights violation at illegal POGO operations.

Pinagdududahan daw ni Polong na ang quadcom ay may game plan o hidden agenda upang sirain ang pangalan ng mga Duterte.

Lumutang si dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog at dating Cebu Mayor Tomas Osmeña sa quadcom hearing at nagpatunay na ginamit ni Digong ang war on drugs para gantihan ang mga kalaban sa pulitika.

Nauna nang lumutang sa quadcom hearing sina Jimmy Guban, Leopoldo Tan Jr. at police Col. Lovie Espenido at pinatotohanan na sangkot si Digong sa drug related crimes at EJK maski sa loob ng kulungan.

Inaasinta na rin daw ng quadcom si Michael Yang, close friend ni Digong na kasangkot sa illegal operation ng POGO. Ikonekta rin kaya ito sa mga Duterte? Abangan!

Show comments