‘Paniki’

(Last part)

BINUKSAN ko ang mga bintana sa utos ng aking nakatatandang pinsan.

“Sino ba ang may sabi na kapag may nakapasok na paniki sa loob ng bahay ay may mamamatay?’’

“Si Lola Angela ko po sa mother side. Sabi kasi niya masama kapag may nakapasok kaya dapat isara ang mga bintana. May mga namatay nga sa may amin dahil may nakapasok daw na paniki.’’

“Nagkataon lang yun. Sa totoo lang, suwerte nga kapag pumasok ang paniki sa bahay. Naghahatid ng suwerte.’’

Nagulat at nalito ako sa sinabi ng aking pinsan.

“Hindi ka naniniwala?’’

Napangiti ako.

“Nakikita mo ang kotse kong nasa garahe?’’

“Opo.’’

“Nabili ko yan nang tumama ako sa lotto. Hindi kalakihan ang tinamaan ko peri nakabili ako. At nanalo ako makaraang may makapasok na paniki rito sa bahay.’’

Hindi ako makapaniwala.

Ang nasa isip ko pa rin ay malas kapag pumasok ang paniki sa bahay.

Hanggang isang gabi na ako lang tao sa apartment, isang paniki ang pumasok sa bintana.

Makaraan ang dalawang araw, naaprubahan ang pag-aaplay ko bilang scholar sa Japan.

Hindi ako makapaniwala. Suwerte talaga ang paniki kapag pumasok sa bahay.

Show comments