NAKAKAHINGA pa kaya ng maluwag si Tatay Digong? Kasi kung tingnan itong mga House hearing “in aid of legislation” at mga kilos ng mga ahensiya ng gobyerno, walang ibang target kundi itong si Tatay Digong at kanyang pamilya, di ba Sir Willy Alonday? Araguyyy! Lumalala na ang bangayan ng kampo ni Tatay Digong at kampo ni President Bongbong Marcos. Ano pa nga ba? Tsk tsk tsk!
Dating magkasangga, sa ngayon ay mahigpit na magkaaway. Pero si BBM ay sobrang mabait eh. Sino kaya ang nasa likod nitong paggiba kay Tatay Digong? Tiyak hindi ‘yan si House Speaker Martin Romualdez na ibinabando naman ang ambition niyang maging presidente. Araguyyyyy! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Kung sabagay, hindi naman maikaila na sa mga hearing ng House quad committee, ang target talaga ay si Tatay Digong dahil sa mga statements ng mga testigo na si ex-president ang nag-utos sa pagpatay sa mga drug lords noong kasagsagan sa kampanya laban sa droga sa administrasyon niya.
Kaya lang puro hearsay itong sinabi ng mga testigo, tulad ng tinawagan ang mataas na opisyal ng BJMP na patayin ang tatlong nakakulong na Intsik, dahil baka hindi si Tatay Digong ang nakausap niya kundi si Kosang Willy Nepomuceno, ang magaling na impersonator? Eh di wow!
Kaya lang, sa mata ng mga Pinoy, giba na ang pangalan ni Tatay Digong, at baka pumadausdos pa ‘yan kay VP Sara Duterte, na nagbando na hindi siya tatakbo sa 2028 presidential elections. Dipugaaa!
Sana imbes na targetin si Tatay Digong sa mga hearing nila, pag-usapan naman ng quadcom kung paano ibaba ang presyo ng mga bilihin. Mismooo! Napabayaan na ang kapakanan ng mga mahihirap na mga Pinoy dito sa puro pulitika, di ba mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Nitong nakaraang linggo naman, iniutos ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang imbestigasyon at pagsampa ng kaso laban sa individuals na suspetsadong kumanlong kay Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy. Obstruction of justice ito, ayon kay Marbil. “We will not tolerate any form of obstruction to justice. Our investigation aims to identify those who knowingly provided refuge to Quiboloy, and we will ensure they face appropriate legal consequences,” ayon kay Marbil.
Si Quiboloy mga kosa ay nakaharap sa samu’t saring kaso, kasama na ang child abuse at qualified human trafficking, at umabot sa 16 araw bago nasukol ni PRO11 director Brig. Gen. Nicolas Torre lll, sa KOJC compound sa Davao City. Dipugaaa! Hehehe! Kanya-kanyang diskarte lang talaga.
Wala namang pinangalanang suspects si Marbil subalit malinaw naman na sa kasagsagan ng pag-raid ni Torre sa KOJC compound, na tinutulan ito ni Tatay Digong at mga kaalyado. Si VP Sara nga nang sumulpot sa KOJC gathering at nagsabi pang si Quiboloy ay nasa langit. Obstruction of justice na kaya ‘yun?
Pero idiniin ni Marbil na hindi nailagan ni Quiboloy ang police pursuers kung wala ang tulong ng mga “close associates”, kasama na ang kanyang legal representatives. Sanamagan!
“Obstruction of justice is a serious offense, and those who aided in shielding Quiboloy from law enforcement will be charged accordingly. The law is clear—no one is above it, and those who helped Quiboloy will be held accountable,” ani Marbil, sabay turo kay CIDG director Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco na manguna sa pag-imbestiga ng kaso. Kung sabagay, sanay naman si Tatay Digong sa ganitong stressful na sitwasyon. Kaya iwas din s’ya sa alta presyon. Abangan!