Mga empleyado ng furniture company, nagsama-sama para sa pinakamalaking pajama party!

ISANG furniture company sa Sweden ang nakapagtala ng world record matapos nitong mapagsama-sama ang lahat ng kanilang mga empleyado para magsagawa ng pinakamalaking pajama party sa buong mundo.

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na ang kompanyang Ikea ang may hawak ng titulong “Largest Gathering of People Wearing Two-piece Pajamas at a Single Venue”.

Ito ay matapos nilang mapagtipun-tipon ang kanilang 2,052 employees para sa isang party na nakasuot ng pajama.

Naganap ang kanilang record attempt sa Almhult kung nasaan ang pinakauna nilang outlet. Ayon sa spokesperson ng kompanya, ginawa nila ang Guinness World Record na ito upang i-promote sa pamamagitan ng kanilang mga produkto ang maayos na pagtulog.

Show comments