ISANG lalaki sa Nigeria ang nagsagawa ng “read-a-thon” kung saan nagbasa siya nang maraming libro nang halos walang tigil sa loob ng walong araw para sa Guinness World Records!
Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Samson Ajao ang pinakabagong world record holder ng titulong “Longest Marathon Reading Aloud”. Ito ay matapos siyang magbasa ng mga libro nang halos walang tigil sa loob ng walong araw.
Upang kilalanin ng Guinness ang sinuman na sumubok ma-achieve ang record na ito, kailangang magbasa nang malakas ang challenger ng mga published works nang tuluy-tuloy. Maaaring magpahinga ang challenger sa loob ng limang minuto sa bawat isang oras na pagbabasa.
Sa walong araw na pagbabasa ni Samson, umabot sa 100 libro ang kanyang nabasa. Ang mga librong kanyang binasa ay may mga topics na may kinalaman sa finance, sales, management, leadership, politics, health and mental wellness.
Ayon kay Samson, ginawa niya ang record na ito upang i-promote ang literacy development sa mga kabataan sa Nigeria.