• On average, ang itinatagal ng pag-iyak ng mga babae ay six minutes samantalang ang sa mga lalaki ay four minutes lang.
• Ang pag-iyak ng babae ay nakakabawas sa sexual arousal ng lalaki.
• Mahirap mapaiyak ang taong may seryosong clinical depression dahil nakaukit na sa kanilang isipan na wala nang paraan upang masolusyunan ang kanilang sitwasyon lumuha man sila ng isang drum.
• Naniniwala ang mga scientists na ang emotional tears ay naglalaman ng stress hormones kaya ang pag-iyak ay nakagiginhawa ng pakiramdam dahil nailalabas mo ang negative feeling.
• Ang Bayer pharmaceutical company ay nagdebelop ng sunion, isang manamis-namis na variety ng sibuyas na kapag ginagayat ay hindi magpapaluha ng mata. Dinebelop ito ng mga scientists noong late 1980’s, pero naging commercially available noong 2018 sa US, 2022 naman sa British market.
• Sa Bali, Indonesia, ang sinasabing may “tearless funeral”. Walang makikitang lumuluha sa panahon ng pagluluksa dahil ang paglilibing ay isinasagawa pagkaraan ng limang taon pagkatapos mamatay ng isang tao. Ang yumao ay ililibing muna sa “temporary” libingan. Mag-iipon muna sila ng pondo para magsagawa ng creamation. Karaniwang pinagsasabay-sabay ang creamation ng mga namatay sa isang tribu. Isang malaking selebrasyon ang pagsusunog ng mga bangkay na parang isang piyestahan na dinadayo ng mga turista. Ito rin ang dahilan kaya naghihintay ng limang taon para makaipon ng pondo ang mga naulila. Isang masayang selebrasyon ang sabay-sabay na pagsusunog ng bangkay kaya wala kang makikitang lumuluha.