(Part 1)
NOONG nag-aaral pa ako sa probinsiya, gasera ang ginagamit namin. Wala pang kuryente noon sa aming nayon. Ang gasera ay ilawang de gas. Naglalagay kami ng kapirasong damit o gasa na nagsisilbing mitsa sa isang garapa na may gas. Yun ang gamit namin sa magdamag.
Sa buong pag-aaral ko ng elementarya sa nayon ay gasera ang aming gamit. Nasanay na kaming magkakapatid na nag-aaral gamit ang gasera.
Ang pintas ko lang sa paggamit ng gasera, sa umaga paggising ay pawang uling ang butas ng ilong ko.
May pagkakataon din na nasusunog ang aking buhok at kilay sa paggamit ng gasera. Hindi ko namamalayan na natatapat ang buhok ko sa ningas ng gasera.
Pero malaki ang naitulong ng gasera sa aming pag-aaral. Hindi sa pagmamalaki, first honor ako nang magtapos ng elementarya.
Pero may mas maganda pa at hindi ako malilimutang karanasan sa gasera.
(Itutuloy)