Natural therapy

Kung dumadaan sa depresyon

• Uminom nang maraming tubig sa umaga.

• Oats ang kainin sa almusal plus 2 pirasong walnuts.

• Kumain ng 2 saging at 2 oranges sa loob ng isang araw.

• Damihan ang kain ng green leafy vegetables.

• Hilutin ang ilalim  ng panggitnang daliri sa paa.

• Maglakad nang nakayapak sa  berdeng damuhan sa loob ng 40 minutes araw-araw.

• Tigilan ang pagkain ng pritong pagkain at junk foods.

• Iwasan ang alak.

Benepisyo ng paglalakad nang nakayapak

• Para ka na rin dumaan sa acupressure session.

• Naiiwasan ang varicose veins.

• Nagdudulot ng positive energy sa katawan

• Nakakabawas ng stress, anxiety at depression

• Pinalalakas at pinatitibay ang muscle sa binti, bukong-bukong at paa.

Kumain ng itlog

• Mahalagang kumain ng itlog matapos sumailalim sa operasyon. Pagkatapos ng operasyon, ang ating katawan ay nangangailangan ng maraming protina upang bumilis ang paghilom ng sugat. Nagtataglay ito ng  vitamins A, B12, zinc, iron, at selenium, na kailangan upang maging immune sa impeksiyon.

 

Show comments