Internet, Mabuti o masama?

(Part 1)

Masalimuot sagutin ang tanong na iyan dahil ­maaaring depende ito sa gumagamit, paano ginagamit, at saan ginagamit. Malaki ang naging silbi at kabuluhan ng internet sa lipunan at buong mundo mula nang mabuo ang teknolohiyang ito. ­Pinatingkad at pinalakas pa itong lalo ng social media at smartphone.

Meron ngang isang survey sa mahigit 2.4 milyong tao na nagsasaad sa positibong epekto sa kapakanan ng mga indibidwal ang internet.  Mas mataas ang life satisfaction ng mga tao na nag-o-‘online’ na taliwas sa karaniwang idea na meron itong negatibong epekto sa kapakanan ng mga tao.

Sabi ng psychologist na si Markus Appel ng University of Würzburg sa Germany sa wikang Ingles, “kung masama sa lipunan natin ang social media, internet at mobile phone, dapat nakita ito sa pag-aaral pero hindi.”

Ang mga ikinababahala sa internet ay tipikal na kunektado sa paggamit ng social media tulad ng cyberbullying, social media addiction at body-image issues.  Pero lumilitaw sa mga pag-aaral na maliliit ang mga negatibong epekto.

Nalathala sa Technology, Mind and Behavior noong Mayo 13 ng taong ito ang bagong pag-aaral na nagsasaad na, sa average, ang mga tao na nakakapagbukas ng internet ay mas mataas sa walong porsiyento ang score sa sukatan ng satisfaction, positive experiences at  contentment with their social life kumpara sa mga taong hindi nakakapag-internet.

Nakakatulong ang mga online activities para matuto ng mga bagong bagay ang mga tao at magkaroon ng bagong mga kaibigan at ito ay nakakaambag sa kapaki-pakinabang na epekto ng internet.

(Itutuloy)

Show comments