ISANG lalaki sa Illinois, U.S.A. ang sinubukang makapagtala ng bagong world record sa pamamagitan ng pag-squat nang walang tigil sa loob ng isang buong araw!
Upang makakalap ng pera para sa isang charity, sinubukang masungkit ni Tony Piraino ang Guinness World Record title na “Most Squats in 24 Hours (Male)”.
Ang goal ni Piraino ay matalo ang current record holder na si Joe Reverdes na nakagawa ng 25,000 squats sa loob ng 24 hours.
Sinimulan ni Piraino ang kanyang world record attempt noong 5:00 a.m. ng Abril 4. Sa bawat 22 squats, nagpapahinga si Piraino ng 30 seconds. Natapos ito noong 5:00 a.m. ng April 5 kung saan nakapagtala siya ng 26,000 squats.
Ginawa ito ni Piraino upang makakalap ng pera para sa Marion County Horizon Center og Decatur and Mount Zion, isang charity na nagbibigay ng pabahay, employment opportunites sa mga taong may developmental disabilities.
Sa kasalukuyan, isinumite na ni Piraino ang mga ebidensiya at witness testimony sa Guinness para ma-review na ito at mabigyan na siya ng official certification.