Maid of Honor (103)

MARAHAN na marahan ang pag-alis nina Inah at Honor sa kuwartong kinaroroonan ng black bag. Hindi sila napansin ng dalawang lalaking nagbabantay sa di-kalayuan. Si Rocky ay nanatiling nasa loob ng kuwarto. Sabi ni Rocky, kaila­ngan nilang maghiwa-hiwalay para malansi ang dalawang lalaki. Si Rocky ang may hawak ng black bag na may pera. Siya raw ang magdadala sa police headquarters kung saan naroon ang kapatid niyang general.

Nang makalabas naman sina Inah at Honor at tinatahak nila ang madilim na pasilyo, lumingon sila sa pinanggalingan. Wala ang dalawang lalaki. Hindi sila nakita ng mga ito.

“Dito tayo Kuya,’’ sabi ni Inah.

“Kabisado mo ba ang palabas sa gusali?’’

“Oo, Kuya.’’

“Hindi kaya tayo nasundan ng dalawang lalaki?’’

“Palagay ko ay hindi Kuya.’’

“Mabuti naman.’’

“Paano si Kuya Rocky?’’

“Makakagawa siya ng paraan para makalabas dun sa kuwarto.’’

“Paano ang pera Kuya?’’

“Dadalhin niya sa kapatid na pulis.’’

Napatango si Inah. Pero may pagdududa sa isip niya.

“Bakit ano ang naiisip mo, Inah?’’

Hindi sumagot si Inah.

(Itutuloy)

Show comments