Paano ‘basahin’ ang ibang tao?

• Palatandaan na ang bata ay pinalaki ng sobrang istriktong mga magulang:

1. Mahusay sa pagsisinungaling.

2. Magaling magtago ng mga bagay na hindi dapat makita ng ibang tao.

3. Sa tunog pa lang ng footsteps ng mga kapamilya, kilala na nila kung sino ang dumarating.

4. Magaling magplano sa biglaang sitwasyon.

5. Malalim mag-isip.

• Kung ang kausap mo ay kinuskos ang kanyang ilong habang nagsasalita ka, malamang na hindi siya bilib sa suggestion mo sa kanya.

• Kung itinaob ng kaharap mo ang kanyang phone, mayroon siyang sikretong itinatago.

• Senyales ng pagiging matalino:

1. Walang imik pero kapag nagsalita, mapapahanga ka sa kanyang opinyon.

2. Inaamin kung kulang ang kanyang kaalaman sa isang bagay.

3. Hindi pasikat at hindi mahilig magpabida.

4. Kaunti lang ang kanyang kaibigan dahil magaling siyang umamoy ng totoong intensiyon at pag-uugali ng ibang tao.

5. Mahilig silang magbasa ng libro.

6. Ayaw nila ng drama at argumento kaya tinatalikuran na lang niya ang isang tao kapag nahahalata niyang nag-uumpisa na itong makipagdebate.

7. Nakikipagdebate lang sila kung ito ay isang paligsahan at may premyo.

Show comments