Babae o lalaki?
Noong araw na hindi pa uso ang ultrasound or sonography, may mga palatandaang tinitingnan ang matatanda upang hulaan kung babae o lalaki ang ipinagbubuntis ni Nanay. Narito ang kakaiba ngunit nakakaaliw na sinaunang paraan ng panghuhula ng gender ng baby:
• Mababa o mataas ang posisyon? Kung mataas na parang umaabot sa sikmura ang kabuntisan, babae ang magiging anak. Kung mababa na halos nasa puson na, lalaki ang isisilang niya.
• Kung palapad (horizontal) ang paglaki ng tiyan, babae. Kung ang paglobo naman ay patungo sa unahan (forward or naka-usli), lalaki.
• Umihi sa malinis na arinola. Maglagay ng isang kutsarang baking soda. Kapag bumula at sumagitsit, lalaki. Kung walang reaction ang ihi at baking soda, babae.
• Kung sweets ang unang pagkain na napaglihian, babae. Kung maalat at maasim, lalaki.
• Kung bilog ang korte ng unang pagkaing napaglihian, lalaki. Kung walang korte, babae.
• Ayon sa paniwala ng mga Mayans (Indians sa Mexico, Guatemala, Belize) : Kung ang sum total ng edad ni Nanay at sum total ng year na nabuntis siya ay parehong even or odd, babae ang magiging anak. Halimbawa: sum total ng edad ni Nanay ay 8 dahil 26 years old siya. Tapos ang year ng mabuntis siya ay 1982 (1+9+8+2=20 or 2). Parehong even kaya babae ang isisilang niya.
• Lalaki naman kung isa ay odd, at isa ay even. Halimbawa: Nabuntis ako noong 1987 (7 odd) sa edad na 26 (8 even): lalaki ang panganay ko. Sa bunso, nabuntis ako noong 1989 (9) sa edad na 29 (2): lalaki ulit ang bunso ko.