• Kung magpipisa ng calamansi o lemon, takpan ito ng kamay dahil baka sumirit ang juice sa katabi mo.
• Huwag magpabalot ng tira sa business lunch or dinner.
• Kung inimbita ka sa isang dinner party na ginanap sa restaurant, huwag pipintasan ang service o pagkain. Ang maiinsulto dito ay hindi restaurant kundi ang host na nang-imbita sa iyo.
• Wedding gift rule sa bride at groom: Don’t ask for cash.
• Sunglasses etiquette: Tanggalin mo ito kung may kakausapin ka.
• Dog walking etiquette: Kahit nasaan ka, damputin at itapon ang duming ikinalat ng iyong aso. O kaya ay lagyan ng diaper ang aso lalo na kung ipapasok mo ito sa mall.
• Diaper changing etiquette: Sa mall, may nakalaang lugar para dito sa lady’s room. Huwag kang magpalit ng diaper sa dining table. Minsan may nagkamaling magpalit ng diaper sa food court ng mall.
• Kahit napansin mong may punto ang iyong kausap, huwag na huwag mong itatanong kung saan probinsiya ito nanggaling. Malalaman mo rin ito habang tumatakbo ang inyong kuwentuhan.
• Kung mauutot ka at may oras para ito pigilan, lumayo sa karamihan o tumakbo sa comfort room.