MARAMI ang hindi nakaaalam na ang may-akda ng Press Freedom Law (Republic Act. No. 53) ay ang senador at mamamahayag na si Vicente Yap Sotto ng Cebu. Lolo siya ni Sen. Vicente Tito Sotto III. Ipinasa ang batas noong Okt. 5, 1946.
Ang RA 53 ang madalas na depensang ginagamit ng mga kritiko ng gobyerno kapag nauwi sa pag-aresto at paglilitis ang kamalian nilang ginawa sa malisyoso nilang pamamahayag. Kalasag din pala ito ng rumor mongerers?
Ang batas na ito rin ang ginamit ni Eric Celis nang malagay sa kagipitan at ikinulong sa Senado dahil sa pagtangging pangalanan ang source ng impormasyon sa maanomalyang travelling expenditures ni House Speaker Martin Romualdez.
Nadamay sa usapan ang SMNI ni Apollo Quiboloy.
Sa pagiging adelantado ni Celis, nabisto rin na fake NPA Cadre siya at dating tauhan ng isang druglord sa Iloilo City. Kabilang siya sa drug list ni Pres. Digong Duterte. Mabuti naman at hindi siya nakasama sa misyon ni Col. Jovie Espenido.
Suwerte pa rin ‘di ba?
Sagrado ang layunin ng RA 53 upang pagtibayin ang kalayaan sa pamamahayag ngunit hindi dapat inaabuso ng mga tsismoso para pabagsakin ang gobyerno.
Maliwanag ba?