Manang Rosa (235)

“NASAAN daw si Rene?’’ tanong ni Manang.

“Wala pong makapagsabi kung nasaan, Manang,’’ sagot ni Eliz.

“Maski ang taong nagkuwento sa iyo ng mga pangyayari?’’

“Opo. Hindi na raw po niya alam kung nasaan ang kanyang pinsan na si Rene. Maski raw po Facebook o Instagram, ay wala siyang ma-search.’’

“Ah. Sabagay nga mahirap hanapin. Maski nga ako mahirap din ma-locate dahil wala akong Facebook.’’

“Kaya nga po natuwa ang taong nakausap ko at kahit paano may nakilala siyang katulad ko na may koneksiyon din kay Sir Rene.’’

Natahimik si Manang Rose.

“Kaya nga po walang alam ang aking kausap kung may pamilya na si Sir Rene.’’

“E siguro meron na yun. Ang tagal na e. Sisenta anyos na siya—senior na.’’

“Kasing-age mo po Manang?’’

Tumango si Manang.

Itutuloy

Show comments