LILISANIN ni Philippine National Police chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ang PNP na may iiwanang legacy—ang pagbaba ng lagpas 8 percent na crime rate drop sa Pinas sa kanyang termino. Si Acorda ay bibigyan ng testimonial parade sa Philippine Military Academy (PMA) grounds bukas bilang tanda ng kanyang nalalapit na retirement. Si Acorda ay miyembro ng PMA Class ’91. Ang testimonial parade ay pagkilala sa mga hepe ng PNP at AFP, kasama ang mga “siga” na PMA graduates, na magreretiro na. Ang kasunod n’yan ay ang exit call, hanggang sa araw ng kanilang retirement. Si Acorda ay magreretiro na sa Disyembre 3 matapos ang walong buwan bilang PNP chief. Kapag na-extend si Acorda, wala nang repeat na testimonial parade sa PMA, di ba mga kosa?
Ayon sa datus ng Crime Information Reporting and Analysis System (CIRAS), ang index crime volume sa Pinas mula Enero 1 hanggang Oktubre 31 ay nasa 34,908 kung saan bumaba ito sa 2,877 na kaso kumpara sa ganunding period noong 2022. Ang index crimes mga kosa ay mga kasong kinasangkutan ng mga Pinoy at ari-arian samantalang ang non-index crimes naman ay mga illegal acts, kasama na ang paglabag ng special laws o local ordinances. Ang binabantayan ng PNP at ang tinatawag na “8 focus crimes” tulad ng murder, homicide, physical injury, robbery, theft, rape at car theft, kasama na ang mga motor. Bumaba rin ang focus crimes ng 8.18 percent, mula sa 34,702 na kaso ng nakaraang taon sa 31,864 sa 2023.
Ayon kay Acorda, patunay itong bukod-tanging numero na epektibo ang PNP law enforcement initiatives. “These promising outcomes stand as a clear testament to the tireless and coordinated efforts of the PNP contrary to popular narratives. The statistics undeniably demonstrate a noteworthy decline in the overall crime rate during the 10 months of 2023. This success reflects the PNP’s commitment to “Serbisyong Nagkakaisa” and our unwavering vow to decisively suppress criminal activities, ensuring the safety and security of our communities,” sabi niya.
Natuwa si Acorda dahil hindi lang naka-focus ang PNP sa pagpababa ng krimen sa Pinas kundi nagkaroon pa sila ng makabuluhang pag-unlad sa kampanya laban sa cybercrimes, carnapping, wanted na kriminal at loose firearms. Aniya, ipinakita sa datus ang matagumpay na operations ng PNP sa pag-aresto ng mga kriminal, sa pagrekober ng ebidensiya at pagsampa ng kaso sa korte, na naging pangunahing dahilan sa pagbaba ng krimen. Dipugaaaaa!
Pinuri rin ni Acorda ang PNP Anti-CyberCrime Group (ACG) sa pamumuno ni Brig. Gen. Sidney Hernia dahil sa pagpatupad nito ng mga makabagong estratehiya para labanan ang threats ng cybercrime, tulad ng love scams at iba pa. Ang ACG ay nasa forefront din ng kampanya ng gobyerno laban sa POGO, na nagsisilbing pugad ng kriminalidad at iba pang katiwalian. “This successful track record showcases the unyielding commitment of the PNP to safeguarding public safety and maintaining the overall security of the nation,” ayon pa kay Acorda. Abangan!