Ang may pinakamasuwerteng anak

PAGKARAAN ng 30 taon, matapos makapagtapos sa kolehiyo, nagkasundo ang apat na magkakaibigang lalaki na magkita sa isang restaurant upang magkumustahan. Habang nasa comfort room ang isa, ang tatlo ay nag-umpisang magkuwentuhan tungkol sa kanilang mga anak na nagkataong pulos mga lalaki. Palibhasa ay pulos mga successful ang mga anak, kanya-kanya sila ng payabangan tungkol sa mga ito.

Umpisa ng unang kaibigan: Ang anak ko ay nakatapos ng economics at naging rich banker. Ferrari lang ang pangregalo niya sa kanyang kaibigan.

Siyempre hindi nagpatalo ang ikalawang kaibigan: Ang aking anak ay piloto na nang yumaman ay nagtayo ng sariling airline. May kaibigan siyang nagdiwang ng kaarawan at niregaluhan niya ng jet.

Nagsalita ang ikatlo: Dalawang kurso ang natapos ng aking anak, engineering at architecture. Yumaman siya sa pagiging property developer, kaya ‘yung friend niya ay niregaluhan niya ng isang kastilyo sa Siargao.

Sa wakas, dumating ang ikaapat na kaibigan. Kinumusta nila ang anak nito na alam nila ay lalaki rin.

“Ang anak ko ay isang stripper sa gay bar.”

“Oh I’m sorry,  bigong-bigo ka siguro sa anak mo.”

“No…no…masuwerte nga siya. Last week ay nag-birthday siya at nakatanggap siya ng regalo mula sa kanyang tatlong mayayamang kaibigan: Ferrari, jet at castle sa isang island.”

Show comments