INAKUSAHAN ng Senado na kulto ang Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI) sa Sitio Kapihan Socorro, Surigao del Norte.
Ang 22-anyos na si Jey Rence Quilario alyas Señor Aguila ang kinikilalang lider ng SBSI na may 3,500 miyembro ay reincarnation daw ni Santo Niño Hesus. Ipinanganak ulit si Hesus? Namaannn!
Nagsimula ang intriga dahil sa child at forced marriages na nangyayari sa pamunuan ni Señor Aguila. Baka naman nahuling nag-aasa-asawahan kaya nagkasal-kasalan. Hmmm!
Sandamukal na organisasyong pampulitika, brotherhood fraternities, corporate religions ang maibibilang din bilang kulto dahil sa pagiging blind followers na sumusunod sa utos ng lider nila.
Maraming lumitaw na mga pastor ng relihiyon ngayon ang nagsasabi na sila ang may-ari ng mundo dahil sila ang Ama at ang Anak ay iisa. Ang yayamen na nila!
Marami ang haka-haka na si Señor Aguila ay ginagamit lamang na instrumento ng organisasyon nito para sa makatusong ambisyon. Baka naman pulitika ang dahilan. Mag-usisa rin kayo!
Tanungin kaya si Tatay Digong sa naging karanasan niya sa mga malakultong tagapagturo ng salita ng Diyos. Wala lang murahan, he-he!