Alagang ahas

MALIIT pa lang ang ahas ay inaalagaan na ito nang maayos ng babae.

Lumipas pa ang mga araw, ang maliit na ahas ay lumaki. Lalo itong napamahal sa babae. Inaalagaan niya itong parang kapatid: itinatabi sa kama pagtulog, pinakakain na parang batang sinusubuan at ipinapa-check up sa veterinarian kada anim na buwan.

Ang ahas ay lumaki at humaba ng six feet.

Ngunit isang araw, nabahala ang babae. Tumigil na sa pagkain ang ahas. Lahat nang paraan ay ginawa ng babae ngunit bigo pa rin siyang mapakain ang alaga. Kaya nagpasya ang babae na dalhin ang ahas sa veterinarian. Inobserbahan ng vet ang ahas, mula ulo hanggang buntot.

“Magkatabi ba kayong matulog ng ahas?” tanong ng vet.

“Oho.”

“Simula pa kailan?”

“Simula ho nang alagaan ko siya, mga two years ago.”

“Okey ang ahas mo, wala siyang sakit.”

“E, bakit ho hindi makakain?”

“Inihahanda kasi niya ang malaking space sa kanyang tiyan para sa isang espesyal na pagkain.”

“Ano hong espesyal na pagkain?”

“Ikaw ang nakatakda niyang pagkain. Tuwing nililingkis ka niya, na napagkakamalan mong nilalambing ka ngunit ang totoo ay tinatantiya niya ang katawan mo kung kakayanin na niyang lamunin ka nang buo.”

“A snake in the grass can be dangerous; but a snake in your own home can be deadly” —Unknown

Show comments