ILANG kalsada sa Portugal ang binaha ng alak matapos mawasak ang imbakan ng isang distillery na gumagawa ng red wine!
Nag-viral kamakailan ang mga videos kung saan mapapanood ang pag-agos ng libu-libong galon ng red wine sa mga kalsada ng Sao Lourenco do Bairro matapos mawasak ang mga imbakan nito sa Destilaria Levira.
Walang naiulat na nasaktan sa insidente ngunit may naireport na nasirang tahanan dahil sa malakas na pagdaloy ng red wine.
Ayon sa chief executive ng Destilaria Levira na si Pedro Carvalho, mahigit 600,000 galon ng red wine ang umagos mula sa kanilang distillery sa loob lamang ng isang oras. Ang sanhi ng aksidenteng ito ay structural failure ng mga vat o imbakan ng alak.
Sa inilabas na statement ng distillery sa kanilang Facebook page, humihingi sila ng paumanhin sa mga naapektuhang residente at nangangako silang sasagutin ang mga paglilinis at repair sa mga nasirang ari-arian.