Pusa na marunong magluksong-lubid, nakatanggap ng Guinness World Record!

Isang pusa sa Missouri, U.S. ang nakapagtala ng bagong Guinness World Record dahil sa talento nito sa luksong-lubid (jump rope).

Napasakamay ng pusang si Kit Kat ang titulong “Most Skips by a Cat in One Minute” sa tulong ng kanyang amo na si Trisha Seifried.

Nahigitan ni Kit Kat ang previous world record matapos itong makalukso sa lubid ng siyam na beses sa loob ng 60 seconds.

Ayon kay Seifried, napulot niya si Kit Kat sa isang bukid at anim na buwan pa lang ito nang simulan niyang sanayin sa luksong-lubid.

Si Seifried ay professional animal trainer at nagpapatakbo ng isang talent agency para sa mga hayop.

Bukod sa Guinness World Record title, isa sa pinagmamalaki ni Kit Kat ay naging modelo na siya ng isang international cat food brand.

Show comments