Habang patungo sa kuwarto ni Manang Rose ay kinakabahan si Gino. Ano kaya ang dahilan at pinatatawag siya ni Manang. Mayroon kaya siyang nagawang mali? Natuklasan na kaya ni Manang ang pagiging magkasintahan nila ni Eliz?
Marahang kumatok si Gino sa pinto ng kuwarto.
Bumukas iyon. Nakita niya si Manang.
“Manang ipinatatawag mo raw ako,’’ sabi ni Gino sa nahihiyang boses.
“Oo, halika Gino.’’
Pumasok si Gino.
“Ano po ang nagawa kong kasalanan, Manang?” tanong ni Gino na hindi inaalis ang pagkakatingin kay Manang.
Nagtawa si Manang.
“Anong kasalanan? Wala ka namang nagawang kasalanan.’’
“E bakit mo po ako ipinatawag?”
“Kapag ba pinatawag may kasalanan na?’’
“Hindi po.’’
“Kaya ka pinatawag ay para tanungin kung may problema sa pag-aaral o ano pa. Meron ba Gino?’’
“Wala naman po.’’
“Good. Yun lang ang gusto kong malaman.’’
Ngumiti si Gino,
“Aalis na ako Manang.’’
Tatalikod na si Gino nang may sabihin si Manang.
“Sandali Gino.’’
(Itutuloy)