Unique home cures

• Kumain ng yogurt para matanggal ang bad breath. Ang “live” microorganism na nasa yogurt ang papatay sa bacteria na sanhi ng bad breath. Doble ang benefits na makukuha sa yogurt, pantanggal na ng bad breath, susugpuin pa nito ang osteoporosis. Sapat na ang one serving ng yogurt per day.

• Pagod na pagod ang iyong paa sa maghapong paglalakad? Umupo. Kumuha ng dalawang tennis or golf balls. Tapakan ng tig-isang paa ang ball at pagulungin ng talampakan. Puwedeng gamitin ang maliit na glass bottle ng softdrinks.

• Hindi matanggal ang sinok? Isubo ang isang kutsaritang asukal (white, para pino at hindi makakahirin) at sa loob ng isang minuto ay mawawala na ito. Ang sinok ay dulot ng paghilab ng nerve muscle na nagkokontrol sa diaphragm. Ang paglunok ng asukal ay nakakatulong upang tumigil ang paghilab ng muscle.

• Makinig ng paborito mong music sa loob ng 30 minutes kada araw upang bumaba ang blood pressure. Ayon sa resulta ng pag-aaral na ginawa ng University of Florence Italy, bumababa ang systolic ng 3.2 points after one week  at 4.4 naman ang ibinaba after on month. Mga pasyenteng may alta presyon at araw-araw na umiinom ng gamot ang ginamit nila sa experiment.

• Matatanggal ang motion sickness na may kasamang paglalaway at pakiramdam na masusuka sa pamamagitan ng pagsipsip ng katas ng alinman sa mga sumusunod:  orange, dalanghita. Hatiin ang prutas at direktang sipsipin ang katas.

• Tuyo at malutong na kuko. Pahiran ng baby oil o castor oil ang bawat kuko bago matulog. Balutin ang kamay ng manipis na plastic gloves upang hindi mapakuskos ang mantika sa bed sheet. Magdamag na mabababad ang kuko sa oil. Kung kuko sa paa, balutin ang paa ng plastic na angkop sa size ng iyong paa. Talian ng rubber band ang plastic upang hindi matanggal sa paa habang natutulog.

Show comments