MARAMING nakakulong dahil sa maling bintang at nagdurusa sa kasalanang di nila ginawa. Tama ba Ka Fredie?
Samantalang ang mga maimpluwensiyang pulitiko na nakulong dahil sa pagnanakaw sa kaban ng bayan ay naihalal na muli habang nililitis ang mga kaso nila. Tama ba ‘yun?
Hindi popular sa marami ang batas ng RA 7309 na lumikha ng Board of Claim upang pagbayarin ng danyos ang gobyerno dahil sa maling desisyon ng husgado.
Hindi maliwanag kung may pananagutan din ang nagbintang at mga nabayarang testigo. Dapat silang magbayad at makulong sa bawat akusadong ipinahamak nila di ba?
Isang halimbawa si Leila de Lima na nakakulong dahil sa diumano’y gawa-gawang testimonya ng mga testigo na kalaunan ay bumaliktad dahil daw sa pananakot. Malaking danyos ito ‘pag nagkataon!
Magastos at masalimuot ang magpabukas muli ng kaso sa husgado. Ipinagwawalambahala na ito ng mahihirap na biktima ng duling na batas. Hintayin natin ang programang hatid ng Department of Justice tungo sa patas na pagtingin ng batas. Huwag ipagwalambahala ang pagkakataon. Huwag just tiss! Okey?